-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mariing kinondena ng Presidential Task Force on Media Security ang pangha-harass ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Bombo Radyo Gensan pasado alas-8:30 kagabi.

Bombo GenSan shooting2
Bombo GenSan shooting/ FB photo

Ayon kay Undersecretary Joel Sy Egco, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security, ipinag-utos na niya ang imbestigasyon sa naturang pangyayari.

Tiniyak nitong hindi nila palalampasin ang nasabing pananakot at kanilang hahabulin ang mga nasa likod nito.

Sinabi ni Egco na duwag ang mga responsable sa pamamaril sa himpilan ng Bombo Radyo GenSan.

Samantala kinondena rin ng Police Regional Office 12 ang nangyaring insidente at tinitiyak din na kanilang hahabulin at papanagutin ang mga nasa likod nito.