CENTRAL MINDANAO – Pinaigting pa ng pulisya sa Tacurong City ang imbestigasyon sa pamamaril sa isang mamamahayag.
Tinitingnan na ng mga otoridad kung may CCTV sa lugar kung saan binaril si Benjie Caballero ng riding in tandem suspects.
Sinabi ni Presidential Task Force on Media and Security Executive director Joel Sy Egco, “mga duwag ang mga suspek” na sangkot sa pamamaril kay Caballero at kaya lang pumatay ng mga taong walang kalaban-laban.
Hinamon ni Egco ang pulisya sa Tacurong City na laliman pa at tukuyin sa mas lalong madaling panahon ang dalawang suspeks na namaril sa biktima.
Kinondina rin ng NUJP at local KBP ang pamamaril kay Caballero at hiniling sa mga otoridad na hulihin ang mga suspek.
Sa ngayon patuloy na inoobserbahan sa isang pribadong pagamutan sa Tacurong City si Caballero at posibleng ilipat sa mas malaking ospital sa Davao City.
Sa ngayom dasal ng pamilya, mga kaibigan, kamag-anak at mga kasamahan sa trabaho ng biktima ang agaran nitong paggaling.