Ibinunyag ni Matina Biao Station Commander, PMAJ. Elisa Ramirez, sa Bombo Radyo Davao na patuloy pa rin ang imbestigasyon kaugnay sa pamamaril ng isang technician noong Pebrero 13, 2023 sa Kanto 22, Los Amigos, Tugbok sa lungsod ng Dabaw.
Ayon sa nasabing opisyal, wala umanong plano ang tanggapan nila na lumikha ng Special Investigation Task Group o SITG sa nangyaring insidente, ngunit araw-araw nilang binabantayan ang krimen at responsibilidad pa rin nilang tugisin ang mga gunmen na pumatay sa 21 -taong gulang na si Abril John.
Nilinaw din ni PMAJ. Elisa na ipagpapatuloy parin ng kanilang tanggapan ang pagbeberipika ng impormasyon mula sa ina ng biktima matapos niyang sinabi na isa sa mga “children in conflict with the law” ang anak niyang si April dahil sa insidente noong taong 2015 sa bahay pag-asa.
Dagdag pa ni PMAJ Elise ang mga kumakalat na detalye na inireklamo o tinutulan siya ng ilang customer nito dahil sa mga hindi nakumpletong serbisyo.
Paliwanag pa niya na tinututukan pa nila ang katotohanan nito dahil nakapanayam nila ang isa sa mga witness sa pinangyarihan ng krimen na lumapit pa ang suspek bago binaril ang biktima.
Sa ngayon, nananawagan pa rin ng hustisya ang pamilya at mga kamag-anak ng biktima.