-- Advertisements --
Agad na napigilan ang isang lalaki na namaril sa Naval Air Station Corpus Christi sa Texas.
Ayon sa US Navy, sugatan ang isang miyembro ng Naval Security Forces dahil sa pamamaril.
Nasa mabuti na itong kalagayan matapos na ito ay itakbo sa pagamutan.
Dahil sa pangyayari ay nananatiling sarado ang nasabing lugar.
Pumasok na rin ang FBI sa pag-iimbestiga sa nasabing insidente.
Ang Naval Air Station Corpus Christi ay siyang Naval pilot training mula pa noong 1941.