BOMBO DAGUPAN -Mariing kinondena ni Pangasinan Governor Ramon “MonMon” Guico, III ang ginawang pamamaslang sa tumatakbong kandidato para sa pagka-Punong Barangay sa Brgy. Bayaoas, Aguilar na si Arniel Adolfo Flormata.
Sa kanyang mensahe, sinabi nito na nakausap na niya si Provincial Director PCol. Jeff Fanged para sa pagpapabilis ng imbestigasyon sa kaso at gayon na rin ang mga kasamahan nito sa barangay.
Saad ni Guico na hindi titigil ang lalawigan sa imbestigasyon ng kaso hanggang sa makumpirma ang motibo ng suspek at ang nasa likod ng pamamaslang sa kandidato.
Matatandaan na pinagbabaril si Flormata matapos itong maglahad ng kanyang talumpati sa ginanap na miting de avance sa naturang lugar.
Pinagaaralan na rin ang pagsasailalim sa bayan ng Aguilar sa Areas of Concern sa lalawigan kasama ang ilan pang mga bayan kaugnay ng nalalapit na halalan.