Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na tularan ang pagkapatriotismo ni Gat Andres Bonifacio.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kasabay ng paggunita ngayong araw ng ika-157 anibersaryo ng pagkapanganak kay Bonifacio na nanguna sa armed struggle laban sa mga Kastila.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang pamana ni Bonifacio ay magsisilbing isnpirasyon sa mga Pilipino para labanan ang mga hamon kabilang na ang COVID-19 pandemic.
“Now, more than ever, as we overcome the challenges of COVID-19 pandemic, as we remember his life and deeds, may the values he fought for inspire us all to become worthy heirs of a just, progressive and inclusive society that he envisioned more than a century ago,” ani Pangulong Duterte.
Si Defense Sec. Delfin Lorenzana ang kumatawan kay Pangulong Duterte sa ginawang seremonya sa bantayog ni Bonifacio sa Caloocan City.