-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang lalaki nang aksidenteng mabaril ng kanyang tiyuhin sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Aries Quezada, 26, at residente ng Barangay New Bugasong, Matalam, Cotabato.

Ayon sa ulat ng Kabacan PNP na pinaglaruan umano ng suspek na si Rey Ignacio ang 9mm pistol kasama ang biktima.

Aksidenteng pumutok ang baril na tumama sa leeg ni Quezada at tumagos sa kanyang likod.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa tindi ng tama ng bala sa kanyang leeg.

Sumuko naman ang suspek sa mga otoridad at inamin nito na aksidente lamang umano ang pagkakabaril-patay sa kanyang pamangkin.

Ang baril umano ay pag-aari ng isang kandidato na tumatakbong alkalde sa bayan ng Kabacan.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Kabacan PNP at hinihintay na lamang kung magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima.