-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli ng mga pulis ang umanoy pamangkin ni IFI Bishop Felixberto Calang dahil sa pangingikil sa Danatag, Baungon, Bukidnon.

Kinilala ang nahuling suspek na si Glen Calang, 35, may live-in partner, residente sa lungsod.

Inireklamo si Calang dahil panghihingi nito ng pera sabay panunutok ng baril sa mga vendors sa West Bound Terminal Bulua public market Cagayan de Oro.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) spokesperson Major Evan Viñas na una na ring nahuli ang suspek taong 2017 sa kahalintulad na modus.

Kasong robbery extortion ang isasampa laban sa suspek.