-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pinag-aaralan na ng alkalde ng Kitcharao, Agusan del Norte ang pagsasampa ng kaso laban sa kanyang pamangkin na utak umano sa planong pagpatay sa kanya kaugnay ng halalan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Mayor Aristotle Montante na matibay na ebidensya para idiin sa akusasyon ang pagkakahuli sa mga utusan ng kanyang kalabang pamangkin na si Milky Montante.

Batay sa ulat, sa bahay mismo ng kanyang pamangkin nakatira ang mga suspek bilang construction workers.

Nakita rin umano ang pagtapon ng isa sa mga ito ng kanyang arma sa kanal.

Sa ngayon nakasuhan na ang ilang sinasabing salarin na naaresto dahil sa paglabag sa gun ban.