-- Advertisements --
Nahaharap sa batikos mula sa iba’t-ibang grupo ang naging kautusan ng government-run university na Pamantasan ng Cabuyao na ‘English-Only’ policy.
Nakasaad sa nasabing kautusan na lahat ng mga transactions, pag-uusap at leksyon sa loob ng silid paaralan ay dapat ‘English’ ang pananalita.
Paliwanag ni PNC president Librado Dimaunahan na layon nila na maging globally competitive at world class ang mga mag-aaral.
Sakop ng kautusan ang lahat ng mga personnel at mag-aaral.
Humingi na lamang ito ng suporta dahil sa pagnanais lamang nila na magkaroon ng mga world-class na mag-aaral.