-- Advertisements --

Ilalagay sa dalawang linggong lockdown ang Pamantasang lungsod ng Maynila.

Ito ay matapos ang apat na kumpirmadong kaso ng coronavirus.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno, pinayagan niya ang hiling ni PLM President Emmanuel Leyco na isara ng dalawang linggo ang pamantasan para sa gagawing disinfection.

Dahil dito ay papayagan ang mga empleyado ng pamantasan na magtrabaho muna sa kani-kanilang mga bahay.

Ayon naman kay Leyco, ang papayagan lamang nilang pumasok ay ang mga IT at server maintenance, disinfection team, sanitation crew at security personnel.

Magiging online na rin aniya ang lahat ng transaksyon.