-- Advertisements --
Nakatakdang magbawas ng presyo ang mga ticket ng mga airline companies pagdating ng buwan ng Oktubre.
Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) na inilagay nila sa Level 4 ang fuel charge mula sa dating Level 5 ngayong buwan.
Ito na ang itinuturing na pinakamababang fuel charge ngayong taon kahit ng nagkakaroon ng kaguluhan sa Gitnang Silangan at ilang bahagi ng Europa.
Base sa matrix ng CAB na ang Level 4 ay nangangahulugan na magbabayad lamang ang mga pasahero ng eroplano ng mula P117 hanggang P342 para sa domestic flights at mula P385.70 hanggang P2,867.82 para sa mga international trips.
Bilang protocol ay pinagsusumite ng CAB ang mga airline companies ng application bago ang Oktubre kung nais nilang makakulekta ng fuel surcharges.