-- Advertisements --

Inaasahang ang pagtaas ng pamasahe sa eroplano sa buwan ng Marso.

Kasunod ito sa pag-upgrade ng Civil Aeronautics Board ng fuel surcharge sa susunod na buwan.

Sa inilabas na advisory na ang mga passenger at cargo fuel surchage para sa domestic at international flights ay magiging level 6 na mula Marso 1-31 mula sa dating Level 5.

Ang fuel surcharge ay optional fee bukod pa sa base fare na ipinapasa ng mga airlines sa pasahero.

Nagsagawa ng adjustment ang CAB sa fuel surcharges dahil sa paggalaw sa presyo ng jet fuel.