-- Advertisements --

Nakatakdang bumaba ang pamasahe sa mga pampasaherong eroplano sa susunod na buwan.

Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) na sa buwan ng Setyembre ay inilagay na sa Level 5 ang fuel surcharge mula sa dating Level 6 ngayong buwan ng Agosto.

Nakasaad sa nasabing Level 5 na ang fuel surcharge ay magiging P151 hanggang P542 sa mga domestic flghts at mula P498.03 hanggang P2,867.82 para sa mga international trips.

Kumpara sa Level 6 na ang fuel surcharge ay magiging P185 hanggang P665 para sa mga local flghts at P610.37 hanggang P4,538.4 para sa mga international flights.