-- Advertisements --
Sasalubungin ng magandang balita ang mga palagiang sumasakay ng eroplano sa susunod na taon.
Ito ay matapos na nakatakdang bawasan ng gobyerno ang mga fuel surcharges ng mga eroplano.
Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) na ang mga fuel surcharges na maaaring kolektahin ng mga airlines mula sa pasahero ay hanggang sa Level 6 sa Enero.
Nitong Disyembre kasi ay nasa Level 7 ang kinokolekta ng airline companies sa mga pasahero.
Sa matrix ng CAB na ang Level 6 ay nangangahulugan ng pagkulekta ng P185 hanggang P665 para sa domestic flights at P610.37 hanggang P4,538.40 para sa international routes.
Inatasan na ng CAB ang mga airlines na magsumite ng aplikasyon para sa fuel surcharge sa ahensiya bago ang buwan ng Enero.