-- Advertisements --
image 129

Inanunsiyo ng economic managers na itinakda sa P5.768 trillion ang panukalang pambansang pondo para sa taong 2024.

Ito ay mas mataas ng 9.5% kumpara sa P5.268 trillion pondo para ngayong taong 2023 ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Inihayag ito ng opisyal kasunod na rin ng ika-185 meeting ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na pinamumunuan ng Budget chief at binubuo ng mga kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Finance (DOF) at governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon pa kay Pangndaman ang national budget sa susunod na taon ay katumbas ng 21.8% ng gross domestic product ng bansa.

Sa panukalang pondo, patuloy na prayoridad ang expenditure items na nagtaaguyod ng social at economic transformation sa pamamagitan ng infrastructure development, food security, digital transformation at human capital development.

Maglalaan din sa 2024 budget para sa cash assistance programs ng pamahalaan.

Nakatakdang isumite ang proposed 2024 budget halos isang linggo pagkatapos ang SONA ng Pangulo sa Hulyo 24.