-- Advertisements --

Tinanghal bilang Binibining Pilipinas International 2024 ang pambato ng Abra na si Myrna Esguerra.

Nakuha rin nito ang titulo ng Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.

Halos maluha-luha na ito ng tawagin ang pangalan sa coronation night na ginanap nitong Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum.

Kinoronahan naman bilang Binibining Globe 2024 si Jasmin Bungay ng Pampanga at ang first runner-up naman ay nakuha ni Christal dela Cruz ng Zambales habang second-runner-up naman si Trisha Martinez ng Pila, Laguna.

Naging host naman sina Catriona Gray, Nicole Cordoves, MJ Lastimosa, Kylie Versoza, at Ruffa Gutierrez.

Isa sa mga naging tampok sa nasabing pageant ay ang pagbibigay pugay sa mga nagdaang Binibining Pilipinas titleholders at sila ay tinawag sa stage.

Kinabibilangan ito nina: Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 1973 Margie Moran, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2019 Catriona Gray, Miss Suprational 2013 Mutya Datul, Miss Interconinental 2021 Cindy Obenita, Miss International 1970 Aurora Pijuan, Miss International 1979 Melanie Marquez, Miss International 2013 Bea Rose Santiago, at Miss International 2016 Kylie Verzosa.