-- Advertisements --

Kinoronahan bilang Miss Earth 2023 ang pambato ng Albania na siu Drita Ziri sa coronation night na ginanap sa Ho Chi Minh, Vietnam.

Tinalo nito ang 84 na iba pang kandidata mula sa iba’t-ibang bansa kung saan siya ang susunod sa trono ni MIna Sue Choi na nagwagi noong nakaraang taon.

Magsisilbi itong bagong ambassador para sa environmental protection at lead projects na tutulong sa pagpapakalat ng kaalaman sa sustainability at eco-consciousness.

Tinanghal naman bilang Miss Earth-Air ang pambato ng Pilipinas na si Yllana Marie Aduana ng Pilipinas habang Miss Water naman si Do Thi Lan Ahn ng Vietnam at Miss Earth-Fire si Cora Bliault mula sa Thailand.

Si Aduana ay siang medical laboratory scientist na nagwagi ng Miss Philippines Earth na ginanap sa Toledo City, Cebu noong Abril.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na sumali si Aduana na ang una ay noong 2021 kung saan nagtapos siya bilang runner-up at nagwagi rin siya bilang Miss FIT (Face, Intelligence, Tone) Philippines sa 2021 at noong 2022 ay nagwagi ito ng Top 12 at nakuha ang “Face of Binibini” award.

Pangalawang beses na rin na naging host ang Vietnam ng Manila-based Miss Earth pageatn na una ay noong 2010.

Mayroon ng apat na Filipina ang nagwagi ng Miss Earth pargeant noon na una ay si Karla Henry noong 2008, Jamie Herrell noong 2014, Angela Ong noong 2015 at Karen Ibasco noong 2017.