-- Advertisements --

Umatras na sa pagsali sa Miss Universe Philippines 2024 pageant si Joanne Thornley ng Angeles City.

Sinabi ni Gerry Diaz ang nagtrain sa pambato ng Angeles City, na dahil sa kalusugan nito kaya nagpasya itong umatras sa pageant.

Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ukol sa kalusugan nito kung saan kailangan lamang umano ng beauty queen na iprioritize ang kaniyang kalusugan.

Sa kabuuan ay mayroon ng 54 na mga kandidata ang kalahok sa nasabing pageant.

Magugunitang unang umatras sa pageant si Natasha Jung ng Kananga noong nakaraang buwan.