-- Advertisements --

Handang-handa na ang pambato ng bansa sa Miss Eco International 2025 pageant na si Alexie Mae Brooks.

Nakatakdang magtungo na ito sa Egypt sa Abril 8 para sa pagsabak sa ika-10 taon ng nasabing pageant.

Ang 24-anyos na Athlete-beauty queen model at business administration graduate mula sa Iloilo ay kabilang sa sendoff media conference ng Miss Universe Philippines organization.

Dinaluhan ito ni Miss Supranational Philippines 2025 Tarah Valencia.

Si Brooks ay unang nagrepresenta ng bansa bilang heptathelete sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam noong 2022.

Nagka-interest into sa pageant at naging Miss Iloilo noong 2024 na lumahok sa Miss Universe Philippines.

Nakapasok ito sa 10 finalist at nakuha ang titulo bilang Miss Philippines -Eco International.

Mayroon ng dalawang pambato ng bansa ang nakakuha ng Miss Eco International title ito ay kinabibilangan nina Cynthia Thomalia noong 2018 at Kathleen Paton noong 2022.

Gaganapin ang 2025 Miss Eco International final competition sa Al Zahraa sa Egypt sa darating na Abril 20.