-- Advertisements --
Dumating na sa Thailand si Xena Ramos para sa coronation night ng Miss Global.
Sa social media account nito ay ibinahagi ng beauty queen ang ilang larawan na kuha nito habang ito ay nasa paliparan.
Magaganap ang preliminary at national costume competition sa darating na Marso 7.
Habang ang coronation night ay gaganapin sa Marso 9.
Target nito na maging ikalawang Miss Global ng bansa na ang una ay nasungkit ni Shane Tormes noong 2022.