Nakahanda ang pambato ng bansa sa 17th Paris Paralympic Games.
Lalahok ang lahat na anim na para-athletes at apat na coaches sa opening ceremony na gaganapin sa Place de la Concorde to Champs-Élysées in Paris, France dakong alas-2 ng umaga ng Huwebes.
Ang mga pambato ng bansa ay kinabibilangan nina para-swimmer Ernie Gawilan at para-archer Agustina Bantiloc mga teammates nito na sina Jerrold Mangliwan, Cendy Asusano, Angel Mae Otom, and Allain Ganapin.
Kasama nila ang mga coaches na sina coaches Gershon Bautista ng Taekwondo, Jonathan Josol ng track and field, Berson Buen sa archery , at Brian Ong ng swimming.
Sinabi ni Paris 2024 president Tony Estanguet na para mabigyan ng pagkilala ang mga para athletes kaya nila ginawa sa outdoor ang opening.
Umaasa si Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo na magtatagumpay ang mga atleta dahil sa pursigido ang mga ito sa mga bawat sporting events na kanilang sinalihan.