-- Advertisements --

“Feeling winner” pa rin ang pambato ng Pilipinas na si Naelah Alshorbaji sa kabila ng kabiguang masungkit ang panglimang Miss Earth crown para sa bansa.

Ito’y kasunod ng kanyang Top 8 finish, habang kinoronahan naman bilang Miss Earth 2021 si Destiny Wagner ng bansang Belize sa Central America.

Sa post ng 23-year-old Filipino-Syrian model matapos ang coronation, aminado ito na hindi talaga sa lahat ng pagkakataon ay magtatagumpay ngunit ang mahalaga ay mayroong natututunan para magpatuloy sa buhay.

“Winning truly is a mindset,” saad nito.

Sa Top 8 question and answer portion, naatasan si Alshorbaji na i-elaborate o palawakin pa ang kahulugan ng salitang “focus,” bagay na kanyang sinagot sa pamamagitan ng pag-ugnay sa pandemya.

“When we are dealing with the pandemic, with the environment, we must focus on what we want to achieve. And moving forward, we must acknowledge that these are the things that need to be done,” panimula nito.

“Hopefully, each and every one of us will focus on the environmental problems, focus on what we can do right. I want to take an acknowledgement, every individual to do their part. So my question to each and every one of us who is watching this, what can you do for the environment? How can you be a part of [the solution to] this problem? How can you be the change?”

Kung maaalala, nagwagi naman ng gold medal ang Pilipinas sa pre-pageant long gown competition.

Samantala, kabilang pa sa mga nanalo ay sina Baitong Jareerat Petsom ng Thailand bilang Miss Earth Fire 2021; Romina Denecken ng Chile bilang Miss Earth Water 2021; at Marisa Butler ng USA bilang Miss Earth Air.

Noong nakaraang taon, tinanghal bilang Miss Earth Water ang pambato ng bansa na si Roxie Baeyens.