-- Advertisements --

Nakuha ng pambato ng Bulacan na si Chelsea Manalo ang Miss Universe Philippines 2024 crown.

Nangibabaw ang Bulacan beauty queen sa 52 iba pang mga kandidata sa coronation night na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Dahil dito ay irerepresenta niya ang bansa sa Miss Universe na gaganapin sa Mexico.

Ipinasa naman ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang nasabing korona.
Tinanghal naman bilang first runner-up si Stacey Daniela Gabriel ng Cainta, 2nd runner-up naman si Maria Ahtisa Manalo ng Quezon Province , Tarah Valencia ng Baguio bilang third runner-up at Christi McGarry ng Taguig bilang fourth runner-up.