-- Advertisements --

ROXAS CITY – Kinumpirma ng tagapagasalita ng Miss Universe Philippines-Capiz na hindi na sasali sa nasabing pageant ang kandidata ng Capiz.

Sinabi ni Charly Gonzales-Distor na ikinagulat nito ang biglang pag-resign ni Mariam Lara Ashraf El-hamid at tuluyan nang nag-backout.

Subalit ayaw din aniya nilang ilagay sa peligro ang kalusugan ni Mariam dahil sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).

Nabatid na mayroon ding personal na dahilan si Mariam sa pagpaliban nitong sumali sa first ever Miss Universe Philippines.

Ayon kay Distor, magsisimula na itong magtrabaho sa isang BPO company at nais nitong tapusin ang kanyang pag-aaral.

Pinabulaanan din nito ang alegasyon na walang suporta galing sa provincial government ang dahilan ng pag-ayaw nito sa pageant.

Sa darating na Oktubre 25 gaganapin ang Miss Universe Philippines 2020 sa Metro Manila.