-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Handa na ang team ng pambato ng Agusan del Sur sa gagawing mga virtual activities para sa Miss Earth 2021.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng pride ng San Luis, Agusan del Sur na si Judie Ann Castro, na nagsimula na ang kanilang daily competitions hangang sa coronation night na isasagawa sa Hulyo.

Kanyang inihayag na suportado siya sa lokal na pamahalaan lalo na sa mga biyaheng kanyang gagawin upang ma-feature ang mga magagandang tanawin sa kanilang lalawigan.

Malaking hamon daw para sa kanya at sa kanyang team ang virtual competition dahil sila mismo ang mag-a-arrange ng mga gagamiting props gaya ng stage kung saan siya rarampa pati na sa mga lights na mas magbibigay sa kanila ng kahirapan lalo na kung magba-brownout.

Ang kanya lamang pambato ay ang kanyang determinasyong manalo para sa lahat ng mga Caraganons upang ma-inspire lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ngayon umano ang tamang panahon upang maprotektahan ang ating mundo at nais niyang magiging inspirasyon sa lahat lalo na sa mga naglalayong protektahan ang mundo.