-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Malaking karangalan para sa 23-anyos na si Kirby Torrafranca Bas na residente sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur matapos mapiling representante hindi lang sa kanilang lalawigan kundi pati sa buong Caraga Region para sa male pageant na Man of the Globe Philippines 2021.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bas na ang nasabing pageant ay di lang naghahanap ng mga lalaking gwapo, malakas ang dating at mautak kundi may magandang asal upang magiging kanilang ambassador.

Inihayag pa ni Bas na ito ang kanyang unang pagsali sa national pageant na gaganapin ngayong Pebrero a-21 maliban sa mga local pageants kasama na dito ang pagsali at pagkapanalo niya bilang Man of the Globe Philippines 2020 Agusan del Sur, Ginoong Turismo 2016 at SPED Ambassador and Advocate of Agusan del Sur.

Kasama sa kanyang mga advocacies ang pagiging environmentalist, pagiging charity worker, lalo na ang special education para sa mga special children na syang kanyang kinalalakihan dahil supervisor ang kanyang ina sa SPED sa kanilang lalawigan.