-- Advertisements --
Nanguna ang pambato ng Cebu sa sa Miss Universe Philippines 2021 runway challenge.
Isinagawa ni Steffi Rose Aberastu ang pagrampa sa ginagawang Cebu-Cordoba expressway na nakuha ang puso ng mga pageant fans sa buong bansa.
Pumangalawa naman sa puwesto si Maureen Christa Wroblewitz habang nasa pangatlong puwesto ang actress na si Kirsten Danielle Delavin.
May ilang challenge pa na gagawin ang Miss Universe Philippines organization bago sila magdesisyon kung sino ang pasok sa top 50.
Sa darating naman na Agosto 25 ay tinakda ang panel interview kung saan dito pagdedesisyunan ang final top 30.