Nakuha ng taga-England na si Jack Heslewood ang titulong Mister World 2019.
Sa ginanap na Mister World Pageant nitong Biyernes sa Smart Araneta, nangibabaw si Heslewood sa 71 iba pang mga contestant.
Si Heslewood ay isang aerospace engineer sa kanilang bansa.
Ito ang unang beses na naghost ang Pilipinas ng tinatawag na London-based International contest.
Isa itong male version ng sikat na Miss World pageant.
Napili bilang judges sina Miss World Organization (MWO) President and CEO Julia Morley , Miss World Vanessa Ponce de Leon ng Mexico at 2016 Miss World Stephanie del Valle ng Puerto Rico.
Sinabi ni Morley na ito na sa ginawang paghost ng Pilipinas ng nasabing pageant ay dumami ang bilang ng mga contestants.
Inanunsiyo nito na gagawin na lamang itong taunan imbes na bienniel events lamang.
Itinanghal naman bilang first runner-up si Fezile Mkhize ng South Africa, second runner-up si Brian Arturo Faugier Gonzalez ng Mexico habang nasa third runner-up si Carlos Teodor Franco ng Brazil at Alejandro Martinez ng Dominican Republic.
Noong 2012 ay nakuha ni Andrew Wolfe ang first runner-up ng Mister World.