-- Advertisements --

Kinoronahan si Jasmin Selberg ng Germany bilang Miss International sa pageant na ginanap sa Tokyo, Japan.
Nangibabaw siya sa 65 na ibang mga kandidata sa 60th edition ng nasabing pageant.

Papalitan nito si Sireethorn Leearamwat ng Thailand na tinaguriang pinakamatagal na Miss International winner dahil sa walang naganap na pageant noong 2020 at 2021 bunsod ng COVID-19 pandemic.

Isusuot nito ng 22-anyos na ang bagong Miss International crown na dinisenyo at gawa ng Vietnamese jeweler na Long Beach Pearl.

Bukod sa bagong korona ay ipinakilala din ngayon sa pageant ang bagong isinusulong nila na pagsuporta sa sustainable development goals (SDG) na inindorso ng United Nations (UN) na ang mga delegado at panalo ay tatawaging “Beauties for SDGs”.

Tinanghal naman bilang first runner-up si Stephany Amado mula sa Cabo Verde, second runner-up si Tatiana Calmell mula Peru, third runner-up si Natalia Lopez Cardona ng Colombia at fourt runner-up si Celinee Santos Frias ng Dominican Republic.

Samantala ang pambato ng Pilipinas na si Hannah Arnold ay nagtapos lamang sa Top 15.