-- Advertisements --

Nasungkit ng pambato ng India na si Rachel Gupta ang koronang Miss Grand International 2024.

Nahigitan ng pambato ng India ang 68 na iba pa sa coronation night na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Nagustuhan ng judges ang kaniyang kasagutan sa tanong na ano ang pangunahing problema sa mundo ang nais niyang solusyunan kung saan ang sagot nito ay kahirapan.

Ipinasa ni Miss Grand International 2023 Luciana Fuster ng Peru ang kaniyang korona sa nagwaging Miss India.

Nakuha naman ng pambato ng Pilipinas na si Christine Juliane Opiaza ang First-runner up.
Habang second runner up naman si Thae Su Nyein ng Myanmar , third runner-up naman ang pambato ng France na si Safietou Kabengele at 4th runner-up naman si Talita Hartmann ng Brazil.

Nakuha ng Miss Ghana ang Best in Evening Gown; Best in Swimsuit ang pambato ng Brazil; Miss Popular Vote ang pambato ng Indonesia; Country’s Power of the Year ang pambato ng Thailand; Grand Voice Award naman ang nakuha ng pambato ng Trinidad and Tobago; habang Best in National Costumeng mga pambato ng Brazil, Ecuador at Honduras ; Charming by Chat Cosmetics naman ang nakuha ng Miss Indonesia; Beauty Skin by Hya Booster Serum ang pambato ng Thailand at Myanmar at I’Aura Queen ang nakuha ng pambato ng Myanmar.