-- Advertisements --

Kinoronahan ang pambato ng Masbate na si Hannah Arnold bilnag Miss International Philippines 2021.

Isang sleep scientist at professional model ang 24-anyos na si Arnold na nagwagi sa 2021 coronation night na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Hannah Arnold
Hannah Arnold/ Bb. Pilipinas FB post

Itinuturing paboritong manalo sa nasabing pageant si Arnold.

Kasama nitong kinoronahan bilang Bb. Pilipinas Grand International si Samantha Alexandra Panlilio ng Cavite, Bb. Pilipinas Intercontinental si Cinderella Faye ObeƱita ng Cagayan de Oro, Misamis Oriental, Bb. Pilipinas Globe- Maureen Ann Montagne ng Batangas, 1st runner-up naman si Gabrielle Camille Basiano ng Borongan, Eastern Samar at 2nd runner-up si Meiji Cruz ng Valenzuela.

Bb Pilipinas pageant
Bb. Pilipinas 2021 winners

Naging host naman ng pageant sina Miss Universe 2018 Catrional Gray at Miss Grand International 2016 1st runner-up Nicole Cordoves.

Sasabak si Hannah sa Miss International pageant ngayong taon at inaassahan na magiging pang-anim na Filipina na magwawagi ng titulo.

Unang nakakuha kasi ng titulo ay sina Aurora Pijuan noong 1970, Melanie Marquez noong 1979, Lara Quigaman noong 2005, Bea Santiago noong 2013 at Kylie Versoza noong 2016.