-- Advertisements --

Bigong nakausad ang pambato ng bansa na si Kayla Jean Carter sa next round ng kompetisyon at nagtapos sa Top 20 sa  Miss Charm 2024. 

Sa coronation night na ginanap sa Nguyen Du Stadium sa Ho Chi Minh City, Vietnam nitong Sabado, nakipagtagisan ang pambato ng Pilipinas sa swimsuit portion noong gabi. 

Gayunpaman, nabigo siyang umabante sa Top 10.

Bago ito, sa evening gown ni Kayla suot nito aubergine beaded gown ni Mara Chua. 

Hindi rin nagpahuli si Kayla sa kanyang national costume na gawa ni Ryan Ablaza Uson na bandera ang watawat ng Pilipinas gamit ang pambansang kulay at butterfly sleeves. 

Ayon kay Uson, sumisimbolo ang national costume sa misyon ng pageant na isulong ang kultura, turismo, at edukasyon.

Si Kayla ay hinirang na Miss Charm Philippines 2024 noong Hulyo, matapos umatras si Krishnah Gravidez sa kanyang titulo.