Umapela ng dasal ang Pinay beauty queen na si Katrina Llegado para sa Bolivia na kasalukuyang nasa gitna ng kaguluhan kaugnay sa idinaos na eleksyon sa nasabing bansa sa Central America.
Pahayag ito ng cum laude graduate kasabay ng pagtungo muna sa Canada para bisitahin ang ilang kaanak, matapos makansela ang coronation ng lalahukang Reina Hispanoamericana pageant na gaganapin sana sa darating na November 9 sa Bolivia.
“See you again, Bolivia! Your people are both beautiful and tough. I admire the strength of your conviction. I humbly ask for prayers for Bolivia. Pray for protection, peace, and justice,” dagdag ni Llegado.
Tatangkain nito na maibigay sa bansa ang pangalawang Reina Hispanoamericana title na unang nasungkit noong 2017 sa pamamagitan ng aktres na si “Winwyn” Marquez.
Noong nakaraang taon ay bigo ang ating pambato na si Alyssa Muhlach Alvarez sa target na back-to-back win matapos na hindi na nakapasok sa Top 10.
Una rito, sa post ng Miss World Philippines ay wala pang petsa kung kailan itatakda ang Reina Hispanoamericana 2019.