-- Advertisements --
Tinanghal bilang Miss Culture International 2021 ang pambato ng Pilipinas na si Samela Aubrey Godin.
Bukod sa nasabing titulo ay nakamit din nito ang mga awards gaya ng Best in Swimsuit at Best in National Costume sa pageant na ginanap sa Johannesburg, South Africa.
Ang kaniyang National Costume ay inspired sa unang Philippine Eagle na pinarami.
Layon ng Miss Culture International ang palakasin ang domestic at international tourism sa pagsali ng mga kandidata.