-- Advertisements --

Kinoronahan ang pambato ng Pilipinas na si Cindy Obeñita bilang Miss Intercontinental 2021 sa pageant na ginanap sa Egypt.

cindy obenita

Ang 25-anyos na senior tourism officer mula sa Cagayan de Oro ay nanguna sa 70 mga kandidata.

Siya na ang pangalawang Pinay na nagwagi bilang Miss Intercontinental matapos na nakuha ni Karen Galiman noong taong 2018.

Bukod sa titulo ay pinangalanan din siya bilang Miss Intercontinental Asia Oceania.

Tinanghal naman bilang first runner up ang pambato ng Mexico habang 2nd runner up ang England, 3rd runner up ang Seychelles, 4th runner up ang Canada at 5th runner up ang Colombia.