-- Advertisements --

Kinoronahan ang pambato ng Pilipinas bilang Reina Hispanoamericana 2025 sa coronation night na ginanap sa Santa Cruz, Bolivia ngayong Lunes, Pebrero 10, oras sa PH.

Natalo ng Pinay beauty queen ang 24 na iba pang kandidata sa international competition at ipinasa sa kaniya ang korona mula kay 2023/2024 winner Maricielo Gamarra ng Peru.

Sa finals ng pageant, inirampa ni Maté ang kaniyang gold gown na dinisenyo ni Rian Fernandez.

Maliban sa major crown, naiuwi rin ng Filipina beauty queen mula Cavite ang Best in National Costume award kung saan isinuot niya ang Ehrran Montoya dress na hango sa Baroque Churches ng Pilipinas.

Si Maté na ang ikalawang Pinay beauty queen na nagwagi bilang Reina Hispanoamericana matapos unang mapanalunan ni Winwyn Marquez ang naturang title noong 2017.

Ang pinay pride na si Maté ay isa ding singer-model at ang nobiya ng sikat na singer na si JK Labajo. Unang sumabak si Maté sa 2025 Miss Universe pageant kung saan nakatanggap siya ng special title mula sa isang sponsor subalit hindi siya nanalo.

Samantala, iprinoklama naman bilang 1st runner up si Miss Colombia, 2nd runner up si Miss España, 3rd runner up si Miss Perú, 4th runner up si Miss Brazil at 5th runner up si Miss Polonia.