-- Advertisements --

Nakuha ng pambato ng Pilipinas ang Miss Aura International 2021 pageant.

Nangibabaw si Alexandra Faith Garcia sa 29 iba pang kandidata sa pageant na ginanap sa Rixos Sungate Hotel, Antalaya, Turkey.

Tinanghal naman bilang first runner-up si Alexandra Stroe ng Romania, second runner-up naman si Katerina Pidkopai ng Ukraine, third runner-up naman si Maria Del Mar Mez ng Colombia at fourth runner up si Cassandra de Soussa ng France.

Pinasalamatan Garcia ang mga sumumporta sa kaniyang pagsali sa nasabing pageant.