-- Advertisements --
Cyrille Payumo
Cyrille Payumo/ FB post

Kinoronahang bilang Miss Tourism International 2019 ang pambato ng Pilipinas.

Nangibabaw si Cyrille Payumo sa mga kalahok sa pageant na ginanap sa Malaysia nitong Biyernes ng gabi.

Nakuha rin nito ang best in national costume na gawa ng designer na si Rich Sabinian.

Si Payumo ay siyang pang-limang Pinay na nakakuha ng korona na ang pinakahuli ay noong 2017 ng makuha ni Jannie Loudette Alipio.

Ilan sa mga Pinay nakakuha ng titulo ay sina Angeli Dione Gomez noong 2013, Rizzini Alexis Gomez noong 2012 at Esperanza Manzano noong 2000.