-- Advertisements --
Esport Sibol sea games

Mayroon ng 27 e-sport athletes ang isasabak ng Pilipinas sa paparating ng 30th Southeast Asian Games.

Tinawag na Sibol ang koponan na ang nasabing bilang ay ang mga pinakamagaling sa kabuuang 77 na sumailalim sa pagsasanay.

Maglalagay ng tig-pitong atleta ang Sibol sa bawat team-based games.

Ito ay kinabibilangan ng Dota2, Arena of Valor at Mobile Legends: Bang Bang habang tig-dalawang miyembro naman sa larong Star Craft 2, Hearthstone at Tekken 7.