-- Advertisements --

Kinoronahan bilang 3rd Runner Up ang pambato ng Pilipinas sa Miss Global 2023 na si Pearl Hung sa ginanap na coronation night sa Vietnam kagabi.

Nasungkit naman ni Ashley Melendez ng Puerto Rico ang titulong Miss Global 2023.

Sinundan naman ito ng pambato ng bansang Samoa at Thailand.

Si Pearl Hung ay tubong Palawan at isang businesswoman. Kinoranahan din siya noong 2018 bilang Second Princess ng Miss World Philippines.