-- Advertisements --

Tinanghal bilang 2024 Mister Global winner ang pambato ng bansa na si Dom Corilla.

Nangibabaw si Corilla sa 31 iba pang kandidato sa pageant na ginanap sa Thailand.

Napahanga nito ang mga audience sa kaniyang talumpati noong ito ay unang napabilang sa Top 11.

Siya ang kauna-unahang Pinoy na nakakuha ng nasabing titulo.

Sa kaniyang national costume ay suot nito ang Apolaki na isang Filipino God of War at araw na gawa ng fashion designer na si Edwin Uy.

Siya rin ang pangalawang lalaking lumahok sa male pageant na nagrepresenta ng bansa.

Una ay si Brandon Espiritu na naging second runner up sa Mister Supranational pageant.