-- Advertisements --
OKOL 2

BUTUAN CITY – Handang-handa na si Michele Angela Okol, representante ng Siargao Island sa Surigao del Norte para sa coronation night ng Miss Universe Philippine 2021 matapos makapasok sa Top 30 ng nasabing pageant.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag nitong patuloy pa rin ang kanyang training sa kanilang bahay lang dahil nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Salaysay pa nito, ito ang unang national pageant na kanyang sinalihan dahil hanggang sa paaralan lang siya sumali at kadalasan pa sa kanyang sinasalihan ay mga debate contests.

Payo din nito sa mga dalagang nais na makapasok sa prestihiyosong pageant na itutuloy lang ang kanilang pangarap at lakasan ang kumpyansa sa sarili.