Nakuha ng pambato ng South Korea na si Mina Sue Choi ang korona bilang Miss Earth 2022.
Nangibabaw ito sa mahigit 80 na kandidata mula sa iba’t-ibang bansa sa pageant na ginanap sa isang hotel resort sa Pilipinas.
Tinanghal naman bilang Miss Earth- Air ang pambato ng Australia na si Sheridan Mortlock, Miss Earth Water naman ang pambato ng Palestine na si Nadeen Ayoub at Miss Earth-Fire ang pambato ng Colombia na si Andrea Aguilera.
Papalitan ng Miss Korea si Destiny Wagner ng Belize na kinoronahan noong 2021.
Nagtapos lamang ng hanggang top 20 ang pambato ng Pilipinas na si Jenny Ramp.
Magugunitang limang beses na nakuha ng Pilipinas ang korona na noong 2008 ay tinanghal si Karla Henry habang si Jamie Herrel ay kinoronahan noong 2014, Angela Ong naman noong 2015 at Karen Ibasco naman ay tinanghal noong 2017.
Ang nasabing pageant ngayong taon ay siyang unang pagkakataon na nagkaroon ng face-to-face pageant matapos na mahigit dalawang taon na puro virtual lamang dahil COVID-19 pandemic.