Nakuha ng pambato ng Spain ang titulong Miss Asia Pacific International.
Si Chalyenne Hulsman ay siyang kauna-unahang babae mula sa Spain na nakakuha ng nasabing titulo sa pageant na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa Pasay City nitong Miyerkules ng gabi.
Nangibabaw ang 20-anyos na tubong Madrid sa kabuuang 53 na contestants.
Ito na ang pang-51 na edition ng Manila based global pageant.
Pumangalawa naman si Eonna Constanza ng Dominican Republic at third runner-up si Carolina Schuler ng Brazil habang fourth runner-up si Florella Cortez Arbenz ng Costa Rica.
Ilan sa mga napiling judges ay ang actor na si Richard Yap, diplomat at beauty queen Fortune Ledesma, 2017 Miss Asia Pacific International Francielly Ouriques at Filipino furniture designer Kenneth Cobonpue.