-- Advertisements --
Nasa tatlong gintong medalya na ang naibulsa ng pambato ng bansa sa ESport sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.
Ito ay matapos talunin ng Pilipinas ang Singapore sa larong Starcraft 2 sa score na 4-1 sa best of seven match.
Unang nakapuntos ang si Caviar Acampado kontra sa Singaporean player.
Matapos na makapuntos sa ikalawang round ang Singapore ay doon na bumawi at hindi na pinaulit pa na makapuntos ng Pilipinas player ang kalaban at tuluyang nakuha ang gintong medalya.
Magugunitang unang nakakuha ng gintong medlaya ang bansa sa ESPORT sa larong Mobile Legend noong Linggo na sinundan ng Dota2 ang panalo nitong Lunes.