Binura ni Ukrainian high jumper Yaroslava Mahuchikh ang isang world record na walang ibang nakabasag sa loob ng 37 years.
Nagawa ni Mahuchikh ang naturang record sa Diamond League meet sa Paris, isa sa mga pangunahin at huling turneyo bilang bago 2024 Olympics.
Ang dating record sa high jump ay 2.09 meters. Ito ay nagawa ni Stefka Kostadinova ng Bulgaria noong 1987 sa Rome Olympics.
Pero sa naging performance ni Mahuchikh, nalundag nito ang 2.10 meters (6.88 ft) sa naturang turneyo.
Dahil dito, paborito ngayon ang babaeng high jumper na makapag-uwi ng gintong medalya sa nalalapit na Paris Olympics.
Sa naging panayam naman sa atleta, sinabi nitong baon niya sa kanyang pagsabak sa liga at sa nalalapit na Olympics ang patuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Patuloy aniya na nakikipaglaban ang mga atleta sa paraan na kaya nila, para sa mga Ukrainian – kapwa sa mga mamamayan at mga sundalo nito.
Unang umalis si Mahuchikh sa kanyang hometown sa Dnipro ilang linggo matapos sumiklab ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia. Tumuloy siya sa ibat ibang mga European countries para sa kanyang mga training bago tuluyang tumulak papuntang Paris.