-- Advertisements --

Tinanghal bilang Miss International Queen sa Thailand ang pambato ng US na si Jazell Barbie Royale.

Si Royale ay siyang kauna-unahang contestant na nagwagi na may kakaibang kulay sa pageant para sa transgender women mula ng magsimula ito noong 2004.

Nahigitan nito ang 19 iba pang mga contestant mula sa ibang bansa kabilang na ang Brazil, Peru at ibang mga bansa sa Asya.

Tubong Florida ay isang community leader at HIV activist si Royale kung saan gagamitin niya ang kaniyang titulo sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng HIV testing, safe sex at medical care.

Bukod sa korona ay naiuwi din ng 31-anyos ang Best Talent award.