-- Advertisements --

Kinoronahan bilang Miss International 2024 ang pambato ng Vietnam na si Huynh Thi Thanh Thuy.

Tinalo nito nito ang 70 iba pang mga kandidato sa pang 62nd edition ng pageant na ginanap sa Tokyo Dome City nitong gabi ng Martes.

Ipinasa ni Andrea Rubio ang korona nito na kaniyang napanalunan noong nakaraang taon.

Si Rubio ang siyang pang-siyam na Venezuelan na babae na nagwagi ng titulo at isa sa mga well-traveled titleholders sa kasaysayan ng Miss International.

Tinanghal naman bilang first runner-up si Camila Ribera Roca mula sa Bolivia, habang second runner-up naman si Alba Perez ng Spain, Third runner-up naman si Sakra Guerrero mula Venezuela at fourt runner-up naman si Sophie Kirana mula Indonesia.

Hindi naman nakapasok sa top 20 ang pambato ng bansa na si Angelica Lopez.

S Lopez ay beterano na sa larangan ng national at international pageants na huling sinalihan niya ay nong 2022 MIss Asia Global sa Malaysia na nagtapos siya sa pangalawang puwesto.