-- Advertisements --

Nakuha ng pambato ng Zambales na si Chrisitine Juliane Opiaza ang Miss Grand International title.

Tinalo ng Castillejos, Zambales native ang 19 na iba pang mga kandidato sa coronation night na ginanap sa Newport Worlds Resorts sa lungsod ng Pasay.

Nakalikom siya ng mga awards gaya ng Best in Swimsuit.

Hindi na siya bago sa pageant dahil sumali na siya sa Binibining Pilipinas 2022 at Miss Univers 2023 na naging first-runner up lamang kay Michelle Dee.

Dahil sa panalo ay magiging pambato na siya ng bansa sa 2024 Miss Grand International pageant na gaganapin sa Oktubre 25 sa Bangkok, Thailand.